wuhan john hopkins map
2019-nCoV Global Cases by Johns Hopkins CSSE

Pumalo na sa 492 ang bilang ng namatay dahil sa Wuhan coronavirus, mula nang una itong ma-detect sa China noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat, 490 sa mga ito ay mula sa Mainland China, habang isa sa Hong Kong at isa rin sa Pilipinas.

Pawang Chinese pa rin ang mga nasawi sa nasabing sakit.

Nasa 24,552 naman ang mga naitalang nagpositibo sa virus mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Umaabot naman sa 2,792 ang nananatiling critically ill, habang mayroon namang 907 na ang gumaling.

-- Advertisement --