Umakyat na sa 3,285 ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Mahigit 30 sa mga ito ay galing sa Mainland China.

Sa kabuuan, nasa 95,481 na ang mga infected ng COVID-19 mula nang matuklasan ito noong Disyembre 2019.

Pumapalo sa 32,088 o 83 percent sa mga ito ay mild condition, habang 6,420 o 17 percent ay nasa serious o critical condition pa rin.

Samantala, 53,688 naman ang naka-recover matapos ang gamutan at pagsasailalim sa quarantine procedure.