Umakyat pa sa 15,297 ang bilang ng mga nasawing biktima ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong mundo.

Habang ang mga infected naman ay pumalo sa bilang na 349,161.

Ang 222,310 (95%) sa mga ito ay may mild condition at 11,217 (5%) naman ang nasa serious o critical condition.

Pero ang mga gumaling na pasyente ay tumaas din, na ngayon ay may kabuuang bilang na 100,337.