Tumaas pa ang bilang ng mga naitalang nagpositibo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa ngayon ay aabot na ito sa 218,220 mula sa iba’t-ibang bansa.

Nasa 117,978 (94%) sa kanila ay mild condition, habang 6,922 (6%) naman ang nasa serious o critical condition.

Ang dami naman ng mga nasawi ay umakyat pa sa 8,937.

Pinakamarami sa mga bagong nasawi ay mula sa Italy, sinusundan ng Iran at pangatlo ang Spain.

Habang ang mga naka-recover naman ay umaabot na ngayon sa 84,383.