BUTUAN CITY – Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang pasyente matapos tumalon mula sa ikalimang palapag ng Caraga Regional Hospital sa lungsod ng Surigao.

Nakilala ang biktimang si Remlanie Yubos Monticlaro, 52-anyos, may-asawa at residente ng Purok 10, Brgy. Bangonay, sa bayan ng Jabonga, Agusan del Norte.

Ayon sa 72-anyos na ina ng biktimang si Pacita Maturan, na-admit umano sa ikalimang palapag ng Bengzon Wing sa nasabing ospital ang kanyang anak dahil sa paninikip ng kanyang puso at pananakit ng kanyang tiyan.

Na-diagnose siya nitong Miyerkules na may Pneumonia Rule-Out PTB Relapse at Huwebes ng umaga ay lumapit umano ito sa nurse sabay sabi na hindi na niya kaya ang kanyang karamdaman.

Nabigla na lamang sila nang magpunta ito sa sliding window at tumalon kung saan lumapag siya bubong ng adjacent building na nauna ang ulo, resulta sa agaran nitong pagkamatay.