Hindi napigilan ni Mamamayan Liberal Party List Rep. Leila de Lima na kwestiyunin ang umano’y katahimikan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., kasunod ng pagsibak kay dating PNP Chief Nicolas Torre III sa pwesto.
Sa pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, inihayag ni De Lima na siya ay naguguluhan sa nangyari kay Torre.
Sa interperlasyon ni De Lima sinabi nito na bakit hindi aniya nagsasalita ang Presidente ukol dito at ang lumabas lamang ay memo ng Executive Secretary.
Ayon sa mababatas ang lumutang na dahilan sa pagsibak kay Torre ay lumabis ito sa kanyang otoridad.
Sinabi ni De Lima na nagtataka din diya sa pahayag ni DILG Sec. Jonvic Remulla na nagtitiwala pa rin ang Pangulo kay Torre sa kabila ng pagtanggal sa kaniya sa pwesto.
Tugon naman ni National Police Commission (Napolcom) Vice Chairperson Atty. Rafael Calinisan na may kapangyarihan ang Napolcom batay sa Saligang Batas at ang hakbang ni Torre ay hindi aniya pumasa sa Napolcom partikular ang ginawa nitong balasahan sa mga opisyal ng PNP.
Ayon kay Calinisan na may mga appointments na hindi dumaan sa Napolcom na dapat at bilang protocol may clearance.
May nakita din na paglabag sa Civil Service laws at iba pang Napolcom resolutions.