Kinuhanan na rin ng swab samples maging ang partner ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Madam Honeylet Avanceña at anak nilang si Veronica o Kitty.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go sa mga mamamahayag.

Maliban sa kanila, sinabi ni Sen. Go na pati na rin ang iba pang anak ni Pangulong Duterte na sina Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte at dating Cong. Paolo “Pulong” Duterte ay kinuhanan na rin ng swab samples.

Gayunpaman , ayon kay Sen. Go, hindi pa naipadadala rito sa Manila ang mga swab samples para masuri sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Una ng nagpakuha ng swab samples sina Panguylong Duterte at Sen. Go na parehong negatibo sa COVID-19.