-- Advertisements --
Pinaghahanda na ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista sa panibagong taas presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon sa DOE na ang tatlong linggong sunod na pagtaas ng presyo ng langis ay dahil sa nagaganap na geopolitical tensions sa ibang bansa.
Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na maaring magtaas ng hanggang P0.20 sa kada litro ang gasolina.
Habang ang diesel ay inaasahan na tataas ng hanggang P0.50 samantala ang kerosene ay maaring walang paggalaw.
Sa araw ng Lunes malalaman kung magkano ang pagtaas habang sa araw ng Martes kadalasan itong ipinapatupad.