Ibinunyag ni Assistant Ombudsman Mico F. Clavano na mayroong pagkilos ang ilan sa umano’y mga ‘midnight appointees’ para di’ sundin ang ‘courtesy resignation’ iniatas ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla.
Ayon mismo kay Ombudsman Spokesperson Clavano, ang pagkilos ng mga opisyal na ito ay upang mangalap ng suporta nang sa gayon ay maiwasan ang pagbibitiw mula sa pwesto.
Gayunpaman, ibinahagi ni Assistant Ombudsman Clavano na alam naman na ito ni Ombudsman Remulla kung kaya’t binibigyan sila ng isa pang pagkakataon para sundin ang kahilingan o kautusan.
Maalalang inihayag mismo ng kasalukuyang tanod-bayan ang pagkakadiskubre sa higit 200-katao, mga empleyado at opisyal ang biglaang na-hire at na-promote bago umalis si former Ombudsman Samuel Martires.
Alinsunod rito’y inatasan ni Ombudsman Boying Remulla ang 99-high ranking officials na magsumite ng kanilang ‘courtesy resignation’.
Inihayag pa ni Assistant Ombudsman Clavano na nais lamang ni Ombudsman Remulla sa inatas na ‘courtesy resignation’ ay masimlan ang bagong liderato ng maayos.
Kung saan ipinaliwanag ng tagapagsalita ng Ombudsman sa papaano humantong sa kautusan kinailangan pang magbitiw ng mga mataas na opisyal mula sa kani-kanilang mga pwesto.
Paglilinaw naman ni Ombudsman Spokesperson Clavano na ang kautusang ito ay hindi para paghigantihan ang nakaraang administrasyon sa tanggapan.
Kundi ipinaliwanag niyang ito’y upang maseguro o maipakita ng mga opisyal ang kanilang ‘loyalty’ sa Office of the Ombudsman at hindi para sa iisang tao lamang.
Sa kabila nito, positibong ibinahagi ni Assistant Ombudsman Clavano ang impormasyon mayroon ng mga naghain ng kanilang ‘courtesy resignation’.
Bagama’t hindi pa tiyak ang bilang nito, ayon sa naturang tagapagsalita, may ‘good number’ aniya na naghain ng kanilang pagbibitiw maipakita lamang na sila’y ‘in good faith’ sa tanggapan.
















