-- Advertisements --
Pinaghahanda ng Department of Energy (DOE) ang mga motorista sa panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na lingg
Base sa monitoring ng DOE na maaring magkaroon ng P0.30 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.
Habang mayroong P0.80 naman na pagtaas sa kada litro ng diesel ganun din sa kerosene.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan ng panibagong pagtaas ay ang pagtaas ng refinery demand ng US na naging sanhi ng pagbaba ng inventory ng krudo.
Kasama na rin dito ang pag-anunsiyo ng US ng sanctions sa mga oil companies ng Russia.















