-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong taas presyo sa kanilang produkto.

Eksakto ala-6 ng umaga ng ipinatupad ang P1.20 na pagtaas sa kada litro ng gasolina.

Mayroong P1.70 naman na pagtaas sa kada litro ng kerosene habang ang diesel ay nagtaas ng P2.00 sa kada litro.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Assistant Director Rodela Romero na ang dahilan ng nasabing pagtaas ng presyo ng langis ay ang panibagong sanctions na ipinataw ng US sa dalawang malalaking Russian company.

Nakikita rin nito na maaring masundan pa ang nasabing panibagong taas presyo hanggang hindi nareresolba ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.