Kinuwestyon ni Senador Rodante Marcoleta, kung bakit patuloy pa ring nagkukulang ang suplay ng kuryente sa bansa — gayong napakalaki umano ng dependable energy capacity ng Pilipinas.
Sa pagbusisi ng Senado sa panukalang pondo ng Department of Energy para sa 2026, sinabi ng ahensya, umaabot sa 27,000 gigawatts ang maaasahang suplay ng kuryente — malayo sa 19,000 gigawatts na aktuwal na konsumo ng bansa.
Paliwanag ni Energy Secretary Sharon Garin, kalat-kalat ang mga power plant kaya hindi pantay ang distribusyon ng kuryente.
Dagdag pa niya, may mga planta ring nasisira o pansamantalang hindi gumagana, kaya hindi lubusang maaasahan ang mga numerong ito.
Halimbawa aniya maraming planta sa Luzon pero limitado ang linya.
Binigyang-diin ni Garin na karamihan ng planta ay nasa Luzon, ngunit limitado ang mga transmission line — dahilan kung bakit nagkukulang pa rin ang suplay sa ilang rehiyon.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng malawakang assessment ang DOE sa lahat ng power plant sa bansa, at inaasahang matatapos ang review bago matapos ang taon.