-- Advertisements --

DAVAO CITY – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Joint graduation ceremony ng public safety officers basic course class 2019-07 at advance course class 2019-18 sa isinagawa sa Arcadia Active Lifestyle Center nitong lungsod.

Sinasabing ang Public Safety Officers Basic Course (PSOBC) ang nagbibigay kaalaman sa mga estudyante kung hahawak na sila ng posisyon bilang major city police stations/offices at hepe sa mga lower level police stations o magsisilbi bilang block/community police commanders.

Samantalang ang Advance Course (PSOAC) Class 2019-18 ay hinahanda naman ang mga nagsipagtapos na magiging chief of police sa mga city police stations o bilang staff officers sa district, provincial o regional level.

Sa kanyang mensahe, gusto ni Pangulo Duterte na ibahagi ang kanyang kaalaman bilang isang trial prosecutor para magdagdagan ang kaalaman at kung ano ang dapat gawin ng mga ito kung maglilingkod na sila bilang mga pulis.

Nais rin na baguhin ng punong ehekutibo ang nakagawian sa PNP kung saan gusto nitong idestino ang mag-asawang pulis sa lugar na malapit lamang sa kanyang pamilya para hindi magiging kawawa ang mga anak nito.

Napag-alaman na nasa 55 ang nagtapos sa public safety officers basic course kung saan 11 nito ay mga babae, samantalang 57 naman ang mga student-officers na mula sa public safety officers advance course kung saan 15 nito ay mga babae.

Napag-alaman na may 45 na mga partisipante ang na cater ng National police college-Davao na kinabibilangan ng 42 na mula sa PNP dalawa sa BFP , isa ang sa Philippine coast guard kung saan walo nito ay mga babae.

Kabilang rin sa mga panauhin sa nasabing aktibidad ay si Interior Sec. Eduardo Año.