CENTRAL MINDANAO- Tatlong makamandag na King Cobra ang napatay ng mga residente sa probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Reymond Ocay na unang napatay ng mga residente sa bahay ni Shiela Hogonos sa Purok Narra Brgy Malasila Makilala North Cotabato ang malaking ahas na banakon o King Cobra.

Makalipas ang ilang oras isang king cobra pa ang napatay ng mga kamag-anak ni Ocay na may habang sampung talampakan.

Matatandaan na noong nakalipas na araw isang king cobra din na may habang pitong talampakan ang napatay ng mga residente sa Brgy Kawayanon Makilala Cotabato.

Ilang mga residente na rin ang nasawi sa bayan ng Magpet at Makilala na tinuklaw ng king cobra.

Nagdulot ng takot sa mga naninirahan sa paanan ng Mount Apo ang sunod-sunod na paglabas ng King Cobra.