-- Advertisements --
Inalerto ng Pagasa ang mga residente ng Pangasinan at mga karatig na lugar dahil sa banta ng baha dahil sa low pressure area (LPA).
Matatandaang ito rin ang nagdulot ng maghapong ulan sa Metro Manila kahapon at nagpalubog sa ilang kalsada sa rehiyon.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 140 km hilaga-hilagang kanluran ng Dagupan City, Pangasinan.
Kabilang sa mga lugar na lantad sa ulan ang Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Pangasinan, Nueva Vizcaya, Quirino, ilang parte ng National Capital Region (NCR), Visayas at Zamboanga Peninsula.
Maliban kasi sa LPA, may umiiral pa ring hanging habagat sa western section ng ating bansa.