Itinanggi ni Atty. Salvador Paolo Panelo, anak ng dating presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo, ang mga akusasyon ni Ramil Madriaga, ang nagsabing “bagman” ni Vice President Sara Duterte, na may kinalaman siya sa iligal na mga transaksyon ng droga at Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) money.
Ayon kay Panelo, ang mga paratang ay isang “cover-up” na naglalayon lamang itago ang korapsyon sa kasalukuyang administrasyon.
Sa isang panayam, sinabi ni Panelo, “It looks and smells like a cover-up, but it actually does the opposite,” at pinanindigan na mayroong malalim na pulitikal na motibo ang mga akusasyon laban sa Bise Presidente.
Maalalang inakusahan ni Madriaga sa isang notaryadong affidavit na natanggap ni VP Duterte at ang kanyang mga kasamahan ang umano’y pera mula sa mga drug syndicates at POGO operators, at sinabing ang mga pera ay ipinamahagi sa mga grupong sumusuporta kay Duterte para sa kanyang political campaign.
Ayon pa kay Panelo, ang mga akusasyon ay bahagi din ng isang “demolition job” laban kay Duterte, na isa sa mga nangungunang kandidato para sa bilang presidente sa 2028.
Samantala, sinabi pa ni Atty. Salvador Panelo, ang dating legal advisor ni Pangulong Duterte, na hindi magtatagumpay ang mga naninira laban sa Pangalawang Pangulo.
Hanggang ngayon, wala pang pahayag mula kay VP Sara kaugnay ng mga paratang ni Madriga.
















