Tiniyak ni dating congressman at Chief Communications Officer ng Office of the Speaker RObert Ace Barbers na buo pa rin ang tiwala at kumpyansa ng mga kongresista kay House Speaker Martin Romualdez.
Kasunod ito ng panawagang “total overhaul” ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa liderato ng Kamara.
Sinabi ni Barbers ang pahayag ni Tiangco ay tinig ng pagka-frustrate lalo at nabigo itong makuha ang Speakership o ang makapangyarihang posisyon ng chairmanship ng Appropriations sa simula ng 20th Congress.
Giit ni Barbers ang katotohanan ay lahat ng party leaders at ang supermajority coalition ay nananatiling committed at suportado si Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Barbers nananatili ang tiwala ng mga mambabatas kay Speaker Romualdez sa kabila ng ipinipilit siyang idawit sa flood control projects anomaly.
Pagtiyak ni Barbers hindi magpapa apekto ang House of Representatives sa anumang intriga dahil malinaw ang kanilang misyon.
Giit ng dating kongresista hindi total overhaul ang kailangan ng Kongreso kundi ang tuloy tuloy na trabaho mas maraming batas na pakikinabangan ng taumbayan.