Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Humihingi ng tulong sa Filipino community ang pamiliya ng overseas Filipino worker (OFW) na nasawi sa Thailand.

Nakilala ang biktima na si Jill Daniel Mariano, 35, tubong Kapangan, Benguet at Cervantes, Ilocos Sur.

Batay sa report, naibangga ang motorsiklo na sinakyan ng biktima sa isang sasakyan habang binabaybay nito ang kalsada sa Sukothai, Thailand.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Jerlyn Eugenio, kasalukuyang sumasailalim sa proseso ang mga papeles para mabilis na maiuwi ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon ay nasa morgue sa Sukothai, Thailand ang bangkay.