GENERAL SANTOS CITY – Mistulang nabunutan ng tinik ang pamilya Dalquez matapos na makaligtas sa death row sa United Arab Emirates (UAE) ang Pinay domestic helper na si Jennifer Dalquez.

Si Jennifer ay nakakulong at sinentensyahan ng bitay matapos mapatay ang amo na nagtangkang gumahasa sa kanya.

Batay sa ulat, hinihintay na lang ngayon ng gobyerno ng Pilipinas at pamilyang Dalquez, ang ibababang hatol ng korte sa UAE sa darating na Hunyo 19.

Umaasa naman ngayon ang pamilyang Dalquez na makakauwi na ang kanilang mahal sa buhay sa Pilipinas.