-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang search and rescue operation ng Search and Rescue Team ng Agusan del Sur kasama ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Rosario para sa apat na minero na nasawi matapos na hindi na makalabas nang sumabog ang tunnel na kanilang pinasok, na matagal nang na-condemn.

Batay sa paunang impormasyon mula sa mga residente, naganap ito kahapon sa bulubunduking bahagi ng Mahunok, sakop ng Brgy. Bayugan 3, sa naturang bayan.

Kabilang sa mga biktima ang dalawa na nakilala lamang sa apelyidong Balagno, isang Bustamante, at ang isa ay kilala sa alyas na Dior.

Ayon sa mga lokal na minero sa naturang lugar, sa tuwing guguho o sasabog ang isang mining tunnel, agad na lumalaganap ang nakalalasong amoy na posibleng syang naging sanhi ng kanilang pagkamatay.