Nasa P400,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa isang Palau national habang ito ay nasa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa lungsod ng Pasay.

Nakuha sa 45-anyos na suspek ang droga na isinilid nito sa isang diaper.

Pabalik na sa Palau ang suspek ng ito ay makitaan ng droga sa scanner ng paliparan.

Noong Abril 2 ng dumating ang dayuhan at dito kinatagpo ang kaibigang Pinay na siyang hinihinalang nagbigay ng droga.