-- Advertisements --
Magpapatupad ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) simula ngayong araw ng Miyerkules hanggang Huwebes, matapos ang naging aberya na nagdulot ng pagkaantala sa operasyon.
Kinumpirma ito ni Transportation Secretary Vince Dizon, at bilang karagdagang tulong sa mga pasahero maglalagay rin ng libreng sakay na bus sa rutang mula Antipolo hanggang Cubao na kabilang sa mga apektadong estasyon.
Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), limitado lamang ang operasyon ng LRT-2 simula Recto Station hanggang Araneta Center-Cubao Station sa ilalim ng provisional service na ipinatupad bandang alas-7 ng umaga ngayong Miyerkules.
Samantala wala pang abiso kung kailan ibabalik ang buong operasyon ng LRT-2.