-- Advertisements --
Plano ngayon ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga bawang at sibuyas.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr na layon nilang maging stable ang presyo ng nasabing produkto.
Kapag maipatupad ang MSRP ay maiibsan ang pagtaas ng presyo ng sibuyas at bawang na resulta ng kaguluhan sa Gitnang Silangan.
Paliwanag na ito apektado ang agricultural sektor ang kaguluhan dahil sa maaaring madagdagan ang singil ng mga biyahero ganun din ang pagtaas ng mga fertilizes at mas mahal na feeds.
Itinuturing nito na normal lamang ang lima o hanggang 10 percent na pagtaas tuwing may nararanasang krisis.