Nagpahayag ng suporta ang Malacañang sa hirit ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) president Dante Gierran na pagbibitiw ng mga senior executives ng state health insurer bilang bahagi ng reorganization process.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, pabor sila sa inisyatiba ni Gierran na ianatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte na resolbahin ang alegasyong korupsyon sa PhilHealth sa loob ng taon.
Ayon kay Sec. Roque, alam ni Atty. Gierran na maigsi lamang ang kanyang panahon kaya ang pagpapabitiw sa mga senior executives ang pinakamabilis na paraan para sa reorganisasyon.
Tiwala umano ang Malacañang na may sapat na impormasyon si Gierran para maging batayan kung aling resignation ang kanyang tatanggapin.
“Attorney Gierran knows that he does not have much time. And that’s why I think it was important for him to request that all the senior executives file their courtesy resignations because that’s the fastest way that he can reorganize,” ani Sec. Roque.