Pumalo na sa 12 katao ang naitalang nasawi dahil sa epekto ng bagyong Crising, Dante, Emong at ang habagat.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mayroong walong katao pa ang sinasabing napaulat na nawawala.
Patuloy din ang kumpirmasyon nila sa 10 mga naiulat na nasawi.
Nagtala naman ng 765,869 na pamilya ang naapektuhan ng nasabing sama ng panaho.
Mayroong 40,487 na pamilya rin ang pansamantalang nailikas sa mga evacuation centers.
Tinatayang aabot sa mahigit P366.3 milyon ang damyos sa agrikultura kung saan ang MIMAROPA region ang may pinakamaraming naitalang damyos.
Nasa ilalim na ng state of calamitiy ang Metro Manila kabilang ang 40 lungsod at munisipalidad sa anim na rehiyon.
Nakapagbigay na rin ng P181.4 milyon na halaga ng tulong ang gobyerno sa mga apektado ng bagyo.
Nagpapatuloy pa rin ang NDRRMC na nakikipag-ugnayan sa mga lugar na sinalanta dahil sa bagyo.