-- Advertisements --

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III na ito ang una at huling pagkakataon na kakasa at papansinin niya ang mga naging pahayag ni Acting Davao City Mayor Sebastian ‘Baste’ Duterte matapos hindi sumipot sa dapat sanang paghaharap nila sa ring ngayong Linggo, Hulyo 27, 2025.

Ayon sa hepe, wala na aniyang pagusapan pa dahil ang mga bagay ay nasabi at nagawa na nila at wala na rin aniyang ‘logic’ pa kung patuloy niyang pakikinggan ang mga magiging pahayag ng bise alkalde.

Magugunita kasi na nagkaroon ng mga pahayag ang alkalde hinggil sa isang suntukan kung saan inihayag niy na kaya niyang mabugbog ang hepe kung sakali.

Hinggil naman sa naging request ni Mayor Baste na i-reschedule ang dapat na sagupaan nila ng hepe, ani Torre, hindi oras niya ang masusunod kung hindi ang oras ng taongbayan.

Samantala, kung hindi naman aniya kayang panindigan ni Mayor Baste ang kaniyang mga naging pahayag ay marapat lamang na tumigil na din aniya ito sa paglalabas ng mga pahayag.