Ikinakasa ng MalacaƱang ang Food Security Summit na pangungunahan ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bahagi ito ng patuloy na pagpapasigla at pag-develop ng agri-fishery sector sa pamamagitan ng kooperasyon at koordinasyon ng local government units (LGUs) at pribadong sektor, gayundin ng iba pang stakeholders.

-- Advertisement --

Ayon kay Sec. Roque, layunin ng food security summit na matalakay ang mga hakbang at paraan na tutugon sa ibat ibang isyung nakaaapekto sa sektor ng agrikultura.

Halimbawa umano rito ay ang hindi mapigil na pagtaas ng presyo ng baboy, bagsak na farmgate price ng palay, patuloy na pagkalat ng African swine fever (ASF) at iba pa.

Nais din ng MalacaƱang na sa pamamagitan ng summit ay makapag-develop ng national food security plan para makamit ang hangaring magkaroon ng sapat na pagkain, maging maganda ang buhay ng mga magsasaka at mangingisda habang ang mga konsumer ay maginhawa sa pamimili ng mga murang pagkain.