-- Advertisements --

Nagsampa ng kasong cyber libel si Senator Risa Hontiveros laban sa dating witness na si Michael Maurillo at anim na mga vloggers na tumulong na nagpakalat ng video na inakusahan binayaran ang mga witness.

Ang nasabing reklamo ay inihain sa Department of Justice (DOJ) nitong Hulyo 9.

Nabunsod ito sa paglabas ng video ni Maurillo na inakusahan ang senado na pinuwersa at binayaran siya para tumestigo laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

Kasama sa mga kinasuhan ay sina Atty. Ferdinand Topacio, Krizette Chu, Banat By, Jay Sonza, Tio Moreno at Jeffry Celiz.

Paliwanag ni Hontiveros na dahil sa pagpapakalat nila ng walang katotohanan at kasinungalingan kaya marapat na maharap ang mga ito ng cyber libel.

Hindi lamang ito aniya na isang uri ng fake new at sa halip ay isang uri ng pag-atake sa mga witness na nagsasabi lamang ng katotohanan.