Itinanggi ng MalacaƱang na sila ang nagpakalat sa social media na magpapatupad ang Pangulong Rodrigo Duterte ng nationwide lockdown sa susunod na linggo para labanan ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na isang ‘FAKE NEWS’ ang nasabing kumalat sa social media.

Maging si Cabinet Secretary Karlo Nograles ay pinasinungalingan ang nasabing pagkalat ng maling impormasyon.

Nauna rito kumalat sa social media ang isang kautusan na pirmado ng pangulo na nagsasabing magpapatupad ng malawakang lockdown.