Ipinagtanggol ng Malacañang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na maaaring tanggapin ng mga pulis ang mga regalo.
Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na alam ng Pangulo ang kaniyang sinasabi dahil sa ito ay isang abogado.
Isa sa inihalimbawa ni Panelo ay ang unsolicited gift o mga malilit na regalo na pinapayagan ng korte.
Magugunitang inihayag ng Pangulo sa 118th anniversary ng police service na walang problema sa mga pulis na tumanggap ng regalo mula sa mga taong nais lamang magpasalamat.
Pinuna naman ni Vice President Leni Robredo at maging ng Civil Service Commission (CSC) ang nasabing pahayag ng Pangulo.
Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada na nakasaad ito sa Republic Act 6713 at 3019 ang pagbabawal sa mga public official na tatanggap ng regalo.