Itinanggi ni US President Donald Trump na nagtago ito sa bunker ng White House sa kasagsagan ng kilos protesta dahil sa pagkamatay ng black American na si George Floyd sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

Sinabi nito na nagsagawa lamang siya ng kaunting inspection sa bunker ng White House.

Tinawag nito na mga maling balita ang kumalat at nagtungo lamang ito sa bunker sandali dahil kailangan ng regular inspections.

Magugunitang umani ng kritisismo ang hindi agad na pagharap sa publiko ng US President at lumabas na ito ay nagtago sa bunker ng White House ng lumapit doon ang mga protesters.