-- Advertisements --

Malinaw at dapat alinsunod sa Republic Act 6975 o ang Department of Interior and Local Government (DILG) Act of 1990, ang proseso ng magiging pagpili ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) gayong matatapos na sa susunod na buwan ang extended term ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil.

Paliwanag ni PNP-Public Information Office Chief Col. Randulf Tuano, sa batas na ito, mamimili ang Pangulo ng bagong PNP Chief batay sa ibibigay na listahan ng National Police Commission (NAPOLCOM) kung saan maaaring pagpilian ang ‘most senior’ at isang ‘qualified officer’ sa kaniyang naging serbisyo.

Samantala, ang minimum naman na pwedeng pagpilian ng Pangulo ay mula sa mga posisyong Police Brigadier General na siyang qualified din para maging susunod na hepe ng organisasyon.

Kasunod nito ay nagbigay naman si Tuano ng listahan ng mga kwalipikadong mga pulis na maaaring susunod na hepe ng PNP.

Ilan sa mga nabanggit na pangalan na kasama sa pagpipilian ay sina Deputy Chief for Administration LtGen. Jose Melencio, si PNP Deputy Chief for Operations LtGen. Robert Rodriguez, PNP Durectorial Staff Chief LtGen. Edgard Alan Okubo, National Capital Region Police Office Chief PMGen. Anthony Aberin at si Criminal and Investigation and Detection Group (CIDG) Chief PMGen. Nicolas Torre III.

Bagamat hindi sila kasama sa mga nasa Command Group na kasama rin sa pagpipilian ng Pangulo, nananatiling kwalipikado ang mga nabanggit na pulis dahil naman sa qualifications na dapat nasa PBGEN ang mga ranggo na maaaring maging susunod na lider ng mga pulis.

Sa ngayon wala pa namang anunsyo si Marbil kung matatapos na ba sa Hunyo ang kaniyang termino o maaaring magkaroon pa ng isa oang extension ang kaniyang liderato ng hanggang Disyembre.