-- Advertisements --

Nagpatupad ng bawas presyo ang mga kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong unang araw ng Nobyembre.

Epektibo kaninang 12:01 ng umaga ng pinatupad ng Petron ang P0.50 na bawas sa kada kilogram.

Nangangahulugan nito na mayroong P5.50 na bawas sa typical na 11 kilogram na tangke ng LPG.

Habang ang Solane ay mayroong P0.45 na bawas sa kada kilo o katumbas ng P4.95 na bawas sa kada 11-kilogram na tangke ng LPG.