Bumuo ng task force ang US at Pilipinas para matugunan ang agresibong hakbang ng China sa West Philippine Sea.
Kapwa inanunsiyo nina US Department of War chief Pete Hegseth at Defense chief Gilberto Teodoro Jr ang nasabing task force.
Itp na ang pang-apat na pagkikita nina Teodoro at Hegseth na ang pinakahuli ay sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Defense Ministers’ Meeting sa Malaysia.
Sinabi ni Hegseth na hindi nila layon na magkaroon ng komprontasyon at layon lamang nila ay ang proteksyon ng interest, mutually at individualy.
Ang hakbang na rin na ito ay mapapalakas ang contingency preparedness ng bansa.
Ayon naman kay Teodoro na ang alyansa ng US at Pilipinas ay bumabase na ngayon sa pagrespeto sa international law, respeto sa territorial integrity at soberanya.
















