-- Advertisements --
Kinondina ng United Nations ang ginawang airstrikes ng US sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga sa Caribbean at Pacific Sea.
Ayon kay UN human rights chief Volker Turk na isang maituturing na “extrajudicial killing” ang ginawang ito ng US.
Dagdag pa nito na hindi katanggap-tanngap ang ginagawa ng Washington at marapat na agarang itigil na ito.
Nanawagan din siya ng imbestigasyon ukol sa nasabing insidente.
Magugunitang mahigit 60 katao na ang nasawi sa ilang insidenteng airstrike ng US sa mga bangka na nagdadala ng iligal na droga sa Pacific at Caribbean Sea.
Itinuturing ni US President Donald Trump na ang ginagawa nila ay para matigil na ang pagkalat ng iligal na droga sa lugar.
















