-- Advertisements --
Mariing kinondena ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) ang pagpaslang sa beteranong mamamahayag at dating Publishers Association of the Philippines (PAPI) chairman emeritus Juan “Johnny” Dayang, 89, na binaril sa loob ng kanyang tahanan sa Kalibo, Aklan nitong Martes ng gabi.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Usec. Jose Torres Jr., iniimbestigahan na ng PNP ang insidente upang matukoy at madakip ang salarin.
Si Dayang, na dating alkalde ng Kalibo, ay idineklarang dead on arrival sa ospital. Nagpahayag ng pakikiramay ang PTFoMS at inalala ang malaking ambag ni Dayang sa larangan ng pamamahayag.
Kinondena rin ng National Press Club (NPC) ang krimen at nanawagan ng hustisya para sa napatay na mamamahayag.