Aklan nananatiling nasa green category sa kabila ng naging rekomendasyon ni Comelec chairman Garcia na ipataas ang kateg
Unread post by bombokalibo » Tue May 06, 2025 4:35 am
Akeanon: Aklan nananatiling nasa green category sa kabila ng naging rekomendasyon ni Comelec chairman Garcia na ipataas ang kategorya kasunod sa pagpaslang sa veteran journalist na si Dayang
KALIBO, Aklan—Nananatili ang lalawigan ng Aklan sa ilalim ng green category ng Commission on Elections o Comelec.
Ito ang nilinaw ni Provincial Election Supervisor Atty. Roberto Salazar ng Comelec Aklan kasunod sa naging rekomendasyon ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na maaaring ipataas ang klasipikasyon ng lalawigan sa yellow category dahil sa pagpaslang sa 89-anyos na beteranong mamamahayag na si Juan “Johnny” Dayang kung saan, itinuturing ng komisyon na may kaugnayan sa eleksyon ang nasabing insidente.
Sa kabila nito, patuloy aniya na pinag-aaralan ng Regional Joint Security Control Center ang posibilidad na ipataas ang kategorya ng Aklan sa yellow mula sa green na ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang May 12 midterm election.
Sa matagal na panahon, ang Aklan ay nalagay sa green category na ang ibig sabihin ay kabuuang mapayapa ang lugar batay sa assessment ng Philippine National Police.
Sa kabilang dako, tiniyak ni PCapt. Aubrey Ayon, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office na sa kasalukuyan ay walang areas of security concern na naidentify sa lalawigan kahit na may nangyaring pamamaslang sa Aklan.
Aniya, kahit may lead nang sinusundan sa kaso ngunit hindi pa naestablish ang motibo sa insidente kung kaya’t maituturing na nananatiling payapa ang Aklan habang nalalapit ang May 12 local and national election.