KALIBO Aklan — Tuluyan nang umatras ang bansang Cambodia sa South East Asian (SEA) Games 2025.
Ito ay dahil na rin sa alitan ng nasabing bansa laban sa Thailand na mismong host country ng palaro.
Ayon kay Sammy Renton, Bombo International News Correspondent sa Thailand, tatlong araw na ang lumipas ng umatras ang Cambodia sa palaro dahil sa alitan sa border.
Aniya, siguro ay ito rin ang naging paraan para ingatan at hindi mapag-initan ang kanilang manlalaro.
Dagdag pa niya, mayroong mahigit 100 na Pilipinong na rescue malapit sa border kung saan nailipat na ang mga ito sa Bangkok.
Napabalita rin umanong may mga nakitang drones sa iilang lugar na dayuhan ang nagmamani-obra ngunit sa ngayon ay wala pa itong kumpirmasyon.
Sa ngayon, wala pa umanong kahit anong impormasyon na ipinalabas kung ano ang npag-uusapan o plano kaugnay ng alitan sa border.















