-- Advertisements --

KALIBO Aklan — Kinakailangang i-validate ang mga ibinigay na impormasyon ni Ramil Madriaga, sinasabing dating “bagman” ni Vice President Sara Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Former Magdalo Partylist Representative Gary Alejano kung saan, mabigat umano ang mga ibinigay na impormasyon kaya dapat itong imbestigahan ng maigi at i-validate pati narin ang posisyon ng umano’y witness.

Hindi aniya maaaring basta-basta na lamang paniwalaan ang mga ito, ngunit hindi rin umano pwedeng isantabi ang mga claims na ito dahil sa maraming sensitibong issue ang inilabas laban sa bise presidente.

Dagdag pa ni Alejano, dati na rin silang nagsampa ng kaso ukol sa joint account ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Vice President Sara Duterte, kasama sa inihain nilang impeachment complaint laban sa dating pangulo at kasama rin sa mga impormasyon na isinumite sa International Criminal Court (ICC).

Aniya, ang nasabing joint account ay dinedeposituhan ng mga malalaki at kilalang druglord kaya mas maiging buksan ito para mapatotohanan na ang pumapasok dito na pera ay mula sa mga drug operations.