-- Advertisements --

Inanunsyo ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Remolona Jr. na inaasahang bababa ang Gross Domestic Product (GDP) growth ng Pilipinas sa 3.8% sa ikaapat na quarter ng 2025, mula sa 4.0% noong ikatlong quarter at isang malaking pagbaba mula sa 5.3% noong 2024.

Ayon kay Remolona, ang pagbaba nito ay dahilan ng patuloy na epekto ng kontrobersiya sa flood control corruption na siyang nagiging sanhi ng mahinang ekonomiya.

Sinabi pa ni Remolona sa isang panayam na ang pagbaba ng GDP ay dulot ng mababang public construction investments, na nagkontrata ng 26.2% sa ikatlong quarter.

Binanggit din ng BSP ang mga rate cut na ipinatupad mula Agosto 2024 upang mapalakas ang demand sa merkado, ngunit hindi pa tinatapos ng BSP ang easing cycle nito.

Ayon pa kay Remolona, may posibilidad pa ring magkaroon ng karagdagang rate cut sa susunod na taon depende sa kalagayan ng ekonomiya at mga bagong datos na kanilang makakalap. Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang anumang hakbang ay dapat gawin nang maingat upang hindi magdulot ng karagdagang pag-aalinlangan sa mga mamumuhunan.