-- Advertisements --

Nagpahayag ng mga agam-agam ang mga economic managers hinggil sa posibleng negatibong epekto, kung sakaling maipapasa ang minimum wage hike.

Ayon sa mga ekonomista, ang nasabing wage hike ay maaaring magdulot ng pagbaba sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa mula sa 0.1% hanggang 0.5%, na nangangahulugang pagtaas ng inflation mula 0.2% hanggang 0.8%, at posibleng maging epekto ay ang pagtaas ng unemployment rate mula sa 0.2% hanggang 0.7%.

Sinigundahan din nila ang mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na posible ring mawalan ng kakayahang magpatuloy, na magreresulta naman sa pag-tanggal ng mga tauhan nito at pagsara ng negosyo.

Bagama’t hindi naipasa ng mataas ng Kongreso ang panukalang P200 na dagdag-sahod para sa mga manggagawa umaasa naman ang mga labor groups na makakamit nila ang makatarungang sahod para sa mga manggagawang Pilipino.