Welcome sa MalacaƱang ang pag-apruba ng Senado sa Senate Bill 1076 o Malasakit Center Bill na isinusulong ni Sen. Bong Go.

Ang panukala ay layuning maglagay ng Malasakit Center o one-stop-shop medical at financial assistance sa lahat ng ospital ng DOH at PGH.

Sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, sa oras na maisabatas ito, mapapagaan nito ang buhay ng milyong mga Pilipino na dumudulog ng tulong sa Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil lahat ng ito ay matatagpuan na sa one-stop-shop.

Pinapurihan rin ni Sec. Andanar ang Senado sa mabilis na pag-aapruba ng panukala lalo bahagi ito ng commitment ng administrasyong magbigay ng accessible assistance at health care sa mga Pilipino.

Magugunitang sa botong 18-0, inaprubahan ng Senado ang Malasakit Center Bill sa ikatlo at huling pagbasa