-- Advertisements --

Prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang pagpapasigla sa sektor ng pagmimina, lalo na ang rehabilitasyon ng mga mined-out area.

Ito ang kinumpirma ni National Economic Development Administration Socioeconomic Planning Undersecretary Rosemarie Edillon.

Sinabi ni Edillon na nakapaloob ito sa inilunsad na Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.

Paliwanag ni Edillon na nais ng gobyerno na mai-revive ang mining sector at magsisilbi itong suporta sa proyektong renewable energy.

Maglalaan ng pondo ang ahensiya para sa rehabilitasyon lalo na “mined-out” na ang isang lugar.

Dagdag pa ng opisyal na yung mga electric vehicles na nais magkaroon ng battery energy storage system na malaki ang component sa nickel.

Aniya maraming nickel sa bansa at hindi na kailangan pa mag-angkat sa ibang bansa.

Bahagi rin ang pagtutok sa mining fiscal regime at ang pagtatama sa mga maling mining practices sa pag-aayos sa mining industry.

” Mayroon na rin po naman tayong mga mining firms na responsible mining naman iyong mga practices, so okay din po iyon. Pero ang gusto natin is, you know sa pangkalahatan ayusin natin iyong fiscal regime ” pahayag ng NEDA official.