-- Advertisements --
Nakapagtala ng mahabang oras ng volcanic tremor ang Phivolcs sa Taal Volcano.
Ayon sa ulat, naranasan ito mula pa noong Sabado ng umaga, Enero 3, 2026.
Gayunman, hindi pa umano ito maituturing na malaking indicator ng volcanic activity, kaya pinapanatili pa rin ang Alert Level 1, na nangangahulugang bahagya lamang na aktibidad.
Maliban dito, na-detect naman ang 78 tonelada ng Sulfur Dioxide Flux.
Habang may mahinang pagsingaw din na napadpad sa hilagang-silangan ng bulkan.
Dagdag pa rito ang nananatiling ground deformation na indikasyon ng volcanic materials na maaaring ilabas sa mga susunod na araw.














