-- Advertisements --
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang ash emission mula sa Kanlaon Volcano nitong Lunes ng hapon.
Ayon sa ahensya, naganap ang emission bandang ala-1:10 ng hapon at tumagal ng tatlong minuto.
Naobserbahan ang aktibidad ng bulkan gamit ang IP camera sa Kanlaon Volcano Observatory–Canlaon City Observatory.
Kasalukuyang nasa Alert Level 2 parin ang Kanlaon Volcano. Ibig sabihin nito, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometro radius ng Permanent Danger Zone (PDZ). Bawal din ang paglipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan
Patuloy namang binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Kanlaon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga residente sa paligid.
















