Binigyang linaw ng simbahan ng Quiapo kung bakit mayroong pagtutuwid sa terminong ginagamit sa imahe ng Poong Jesus Nazareno.
Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Rev. Fr. Marion Maquiraya ang Parochial Vicar and Program Committee for Nazareno 2026 kanyang ipinalinawag ang hindi na pagtawag rito bilang ‘Itim na Nazareno’.
Aniya’y nais raw nila na mas mabigyan atensyon o pokus kung sino ang inirerepresenta ng imahe at hindi sa kung anong kulay nito.
Ayon sa pari, mahalaga na maunawaan ng mga tao o mananampalataya na si Hesus ang siyang binibigyang pasasalamat at papuri.
Bunsod nito’y kanyang ibinahagi na ang tawag o terminong gagamitin na ay bilang ‘Nuestro Padre Jesus Nazareno’.
Habang aminado naman si Rev. Fr. Marion Maquiraya na mahirap sabihin kung ilang oras ng itatagal ng Traslacion 2026.
Aniya’y paiba-iba raw kasi ang oras kada-taon kaya’t hindi ganun kadali para masabi ang inaasahang haba o gaano katagal ang isasagawang traslacion.
Sa gagamitin namang andas ng Poong Jesus Nazareno ay walang malaking pagbabagong ginawa ayon sa naturang pari.
Ngunit paalala naman niya sa publiko lalo na sa mga deboto na sumunod sa mga nkaatalagang marshalls, at awtoridad na gagabay sa magiging sistema ng Traslacion.
Ito aniya’y para mapanatili ang kaayusan at maiwasan ang pagsalubong ng mga tao sa mismong andas habang ipuprusisyon ang imahe.
Mailang ulit pang paalala ng simbahan ng Quiapo na iwasan na ang pagsampa o ang pag-akyat sa mismong andas ng Nazareno.
Rason anila rito ay upang mas makita ang Jesus Nazareno sa prusisyon o pagdaan nito sa mga rutang tatahakin sa lungsod ng Maynila














