-- Advertisements --

Nakiisa ang higit kalahating milyon deboto ng Poong Jesus Nazareno sa isinagawang ‘Good Friday Procession’ kahapon, ika-3 ng Abril.

Batay sa impormasyon ng mga awtoridad, dumalo ang 517,650 katao sa naturang aktibidad kasabay ng paggunita sa pagpapakasakit at paghihirap ng Panginoon nitong Biyernes Santo.

Tumagal ang prusisyon ng 13 oras, nagsimula ng 11:33 gabi ng Maundy Thursday at natapos naman ng 12:51 araw na ng Biyernes o Good Friday.

Sinasabing mas kaunti umano ang mga nakiisa ngayong taon kumapara nitong 2025 sa crowd estimmate na 532,000 mga deboto.

Habang mas mahaba naman ang itinagal ng prusisyon sa kasalukuyang taon 2026.

Halos 400-kaso o partikular na bilang 397 ang naitalang binigyan o sinerbisyuhan ng medikal na pangangailangan.