-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP ) na nakatanggap ng bomb threat ang University of Santo Tomas (UST) sa Manila nitong Martes ng umaga.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Lieutenant Colonel Hazel Asilo, na ang nasabing pagbabanta ay ipinadala sa isang staff ng unibersidad sa pamamagitan ng messaging apps.

Dagdag pa ng police official na ang ito ay siyang unang banta na nais lamang na ituloy noong nakaraang mga linggo.

Agad na nakipag-ugnayan ang PNP sa pamunuan ng mga unibersidad para agad na matukoy ang nasa likod ng nasabing bomb threat.

Magugunitang sa mga nagdaang araw ay magkakasunod ang nangyaring pananakot at pagbabanta sa mga paaralan at unibersiidad.

Nauna ng nakatanggap ng pagbabanta ang Our Lady of Fatima University (OLFU), De La Salle University (DLSU) , University of the East at ang huli ay sa UST.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad kung iisa nga ba ang grupo ng nasa likod ng pananakot o bomb threat.

Binalaan din ng kapulisan ang mga magtatangka o magpapakalat ng pananakot sa mga unibersidad dahil tiyak na sila ay sasampahan ng kaukulang kaso.