-- Advertisements --
Tiniyak ng pamunuan ng Department of the Interior and Local Government ang seguridad sa kabuuan ng selebrasyon ng Pista ng Nazareno at Traslacion sa Enero 9, 2026.
Kasabay nito ay nagpaabot ng pakikiisa ang ahensya sa naturang selebrasyon.
Tiniyak ng DILG na ang kanilang bibigyang prayoridad ay ang kaligtasan ng bawat debotong lalahok sa aktibidad.
Bagama’t walang banta, mahigit 15,000 pulis ang nakaalerto upang tiyakin ang kaayusan.
Tiniyak ng DILG ang sapat na pulis sa ruta ng prusisyon.














