BAGUIO CITY РTiniyak ni Department of Agriculture (DA) Secretary Emmanuel Pi̱ol na kanyang itataguyod ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa lalawigan ng Abra.

Nangako ang secretary kasabay ng turn-over sa lokal na pamahalaan ng Abra sa Solar Powered Irrigation Systems (SPIS) sa pamamagitan ng DA.

Sinabi ng opisyal na malaking tulong ang SPIS para sa agrikultura sa Abra at sa mga magsasaka.

Aminado naman si Piñol na wala pang nagagawang irigasyon para sa mga magsasaka sa Abra kayat nahihirapan ang mga ito dahil umaasa lamang sila sa tubig ulan sa pagsasaka.